Tuesday, March 27, 2007

SANTONG TSINELAS..

Pasikat na ang araw ng ikaw ay bumangon sa iyong higaan.
Masakit pa rin ang ulo mo at lasa mo pa rin ang alak sa’yong bibig lalo na kung ikaw ay dumidighay. Ginagap mo agad ang isang basong tubig para magmumog.
Puyat ka na naman dahil sa gimik nyo kagabi, anong oras ka nga ba nakauwi? Siguradong kasama mo na naman ang mga barkada mong walang naitulong kundi sakit ng ulo.
Sinamantala mo ang dalawang araw na pagpunta ng magulang mo sa Baguio kasama ang iyong mga kapatid. Alam mong Linggo ngayon at kutob ko ay may lakad ka na naman mamaya.
Hinahanap mo ang bagong tsinelas na binili mo nung makalawa na nagkakahalaga ng dalawang libo. Sobrang init ng ulo mo dahil na rin siguro sa pawala na ang tama mo,kaya kahit si Rita na iyong pinsan, at wala pang isang buwan na nagbabakasyon sa inyo ay pinagbuntunan mo, nakita mo sya ng tanghaling iyon na nagluluto ng pananghalian, agad mo syang kinumpronta.

Pinaparatangan mo sya na itinago nya ang iyong tsinelas, ngunit buong pagtanggi ni Rita sa iyong akusasyon, sumbat at panlalait ang ibinabato mo sa kanya, pero nakalimutan mo ata na anak sya ng iyong tiyuhin na nagkasakit dahil sa pag aalaga sa inyong bukid? Naging maaanghang na ang binibitawan mong salita sa kanya, wala syang magawa kundi sumagot ng mahinahon, isang katangian ng mga probinsyano. Sa sobrang galit mo ay nabato mo sya ng suklay na tumama sa kanyang kilay, nakita mo na may pulang likido na bahagyang tumutulo dito, Wala ka pa ring pakialam bagkus sinabihan mo sya na lumayas sya sa harap mo, Dali-daling nag impake si Rita at tumalilis,
Nagkulong ka sa kwarto, mainit pa rin ang ulo mo at kahit tinatawagan ka na ng mga kaibigan mo sinasabi mo sa kanila na “magnanakaw ang pinsan mo”.

Sa iyong pag-iisa nakita mo ang bag na yantok na pasalubong sa’yo ni Rita,nung dumating sya sa inyo.
Agad mo itong kinuha at sinindahan sa may tarangkahan,

Huli na ng makita mo na ang laman ng bag ay ang tsinelas na sinasamba mo…

Thursday, March 22, 2007

sulat ni boyet

Lahat tayo may mga bagay na gustong balikan, mga panahon na sumasariwa at nagpapa-alaala ng ating kabataan.

Nakapaglaro ka ba ng tumbang preso? Lata lang ng alaska na pinukpok ang mga gilid at tsinelas na de-sipit o kaya ay alpombra masaya na.

E ang taguan sa ilalim ng buwan? Magkapatong ang iyong mga kamay habang nakaharap ka sa poste o bakuran, ano nga ba ang kanata dun?

Nalaro mo din ba ang agawang base, touching robert, gol –den gol-den at does the color?

Ilan lamang yan sa mga laro nung ating kabataan, hindi mo inaalala ang pera dahil wala namang pusta, di tulad ng mga video games na minsan inilalayo tayo sa iba.

Nakakain ka na ba ng street food? fishball, kikyam, cheescake, kwek kwek, tsaka tokwa na dalawang pisong may kanto pa noon ang uso, sayo yun e daig pa ang jollibee, minsan nga kapag nahulog sa garapon ng sarsa pilit mo pang kinukuha o di kaya “manong palitan nyo nahulog po sa loob”

Kung wala namang pera e maglalambing kina tiyo at tiya na pangakong bubunutan ng puting buhok o matutulog ng tanghali maibili lamang ng pop cola.

Noon madalas ang picnic, toka-toka tyo nang dadalhin para lamang makasama, sa ilog, sa gubat sa parang at kahit nga sa likod ng bahay ay ayos na. Gumagawa pa tayo ng bitag o patibong para makahuli ng pugo o di kaya ay kabatu-bato.

Kwebang tinik alam mo pa? ang mga sanga ng puno at mahahabang damo ay babalumbunin para magmistulang kweba na may kunyare’y tinik.

Nakapag tumbling ka na ba sa dayami? Di ba pag-uwi mo pilit mong pinapakamot sa nanay mo ang likod mong kating-kati.

Nilalagyan ang bulsa mo ng isang dakot na buhangin dahil hindi ka na naman tumaya sa agawang bola. O di kaya ayaw mo kunin ang picha ng chinese kit na napunta sa malayo.. Di ka na nga isinasali sa larong siato dahil madalas kang mandaya sa pagbilang.

Nakakatuwa diba andaming pwedeng pagkalibangan noon na walang bayad, para sa atin libre ang lahat.

Basketbol na mejas at stocking ang bola at ang goal naman ay lata ng magnolia na binutasan ang puwitan.

Niluma ni ate ang manika ni Princess Sarah yari lang sa karton ng sigarilyo o kaya ay yung patigas sa likod ng intermidate na papel may Pambansang awit pa nga di ba? Mas maganda kung gawa ito sa card board, napapalitan din ito ng damit depende sa okasyon, pwede ring mamili ng partner basta magaling kang magdrawing at gumupit. Minsan nga naririnig ko sila ng kanya kalaro na may dubbing at voice over pa.

Masaya tyo kapag umuulan , makakapagtampisaw na naman sa baha tapos nun’ shower ka sa alulod ng bahay ng may bahay. Pinapaanod pa nga natin ang tsinelas na goma para kunwari’y balsa.

Kapag napagod na ay haharap sa tv. Aabangan si Nelo o di kaya ay si Cedie. Nagagalit ka kapag inaapi sya ng Mahal na Konde, nalulungkot ka naman kapag nawawala si Patrash.

Si B1 at B2, di ba nag eenjoy ka kapag naglalaro sila nina Lulu at syempre ang mga kaibigang oso.

Noon ang tawag sa text ay pitik o yung mga cards na pelikula kinukulayan pa natin tanda na iyon ang malabas mong pamato. Hindi gaya ngayon text ang tawag kapag may cp ka.

Naging musika na sa’atin tuwing daling araw ang sigaw na “pandesal” kahit tinatamad kang bumangon pipilitin mo para lamang makabili nito at isawsaw sa mainit na kape.

Kapag tanghali naman, tuwang-tuwa ka kapag dumadaan ang mag-a ice drop, magtitinda ng putong kawali na may libreng tsaang gubat, mais, bibingka, sinok mani,palitaw, ginataan, suman, at kung anu-ano pa, marinig mo lang nga ang kalembang ng maliit na kampana agad kang tumatakbo kahit magkandarapa.

At sino ang makakalimot sa taho? Diba ang sarap lalo na kung maliliit yung sago at madami ang arnibal.

Niluma din natin ang cellphone noon, alala mo pa yung mga lata na binutasan natin ng pakong de-uno tsaka yung pisi na pantahi ng sako, kinakabit natin sa mag magkabilang dulo tapos tag-isa tayo, pwede rin ang party line kahit ilan.

Kapag panahon naman ng mais nakikipag-unahan tayo sa mga matanda para mananlaw ng gagamba, gamit natin ay flashlight pero ingat daw sa ahas tubo.

Ang duyan natin na gawa sa sako ng bigas at ang lubid na pambigkis sa baboy ay ating pinapakabit sa puno ng mangga at sabay nating kinakanta ang “telebong telebong”…..

Haaay!!! Sarap maging bata noon diba, sayang di nila inabot, hanggang balik tanaw na lang ba?..

Hanggang sa muli na lang.

Nagpapaalala

Ang iyong kalaro.

Wednesday, March 21, 2007

"si efren"

Hindi pa tag-ulan ngunit tinatalo ng malalaking tipak na itim na ulap ang bughaw na lagit na humahalik sa dalampasigan.
Mag –aalas tres pa lang ng hapon ngunit ang mga batang dati’y nakikita na nagpapalipad ng saranggola ay tila wala, ang mga matatandang madalas mag-umpukan sa may tindahan ay animo’y bumalik sa lumang kasaysayan ang panahon ng hapon,.
Ang malulutong nilang halakhakan ay napapalitan ng pagkabalisa sa sandaling sumasapit ang ganung panahon.
Sa kanila ito ay nagbabadyang panganib.
Sinasarado ang mga bahay at nilalagyan ng sira o lumang gulong ang mga bubong na yari sa pawid, sapat na daw para makapagpatibay sa pagbisita ng malakas na hangin.
Dalawang taon simula ng lisanin nya ang bayan ng Quezon ang dating masaya na dinadayo ng turista para magbakasyon at aliwin ang payapang dagat ngayon ay bakas ng kalungkutan. Hindi makakalimutan ng sinuman ang mga madilim na nakaraan, ang pakikipagsapalaran sa latigo ng putik ng mga tao doon na pumapalo sa kanila hanggang sila ay bawian ng hininga. Ang dagat ng kanilang tambulan sa oras ng pangangailangan, ngayon sila ay pinabayaan. Halong paghanga at pag kaaawa ang naramdaman ko sa nangyari kay Efren, siguro masasabi ko na ang naranasan nya ay gaya din ng sa iba. Nakilala ko sya sa isang Tapsihan (kainan) Kasabay ko sya sa interview sa isang kumpanya, matagal pa akong maghihintay kaya doon muna ako nagpalipas ng oras. Tahimik sya at malikot ang mga mata, sa kanyang mukha, tingin ko ay hindi ka dapat magtiwala. Nagsindi ako ng sigarilyo at sya’y aking inalok, walang halong pagtanggi at agad nya itong inabot, Tantya ko ay hindi naglalayo ang aming edad,maaga lang siguro syang tumanda bunga ng hirap ng pinagdaanan.
Doon na nagsimula ang aming kwentuhan dahil sa isang sigarilyo. Sa kasagsagan ng bagyong iyon, na halos kumitil ng libu-libong taga Quezon si Efren na isang mag-aasin (gumagawa ng asin) ay sumadya sa ibayo para dalhin ang mga sako ng asin lulan ng kabayo na sinaklangan ng kalesa para maikarga ang mga paninda. Pauwi na sya noon mula na lisanin nya ang tahanan kaninang umaga, batid nyang malakas at mapanganib ang ulan na iyon kaya ganun na lang ang kanyang pag-aalala, nakikita nya sa daan ang paghihinagpis ng mga taga nayon na nagmamakaawa sa kanya maisakay lamang sa kanyang kabayo. Hampas dito hampas doon sa pobreng kabayo, lumalatay sa basang katawan nito ang hapdi mula sa lubid na kanyang iwinawasiwas. Inaagaw ng ulan ang aninag ng kanyang paningin sa bawat lalandasin nya ang daan pauwi, iniisip nya ang kanyang ina na may katandaan na at ang amang hanggang ngayon ay hindi nya alam kung nasa laot pa mula nung umalis sya kanina. Iniisip din nya mga kapatid na walang binabanggit kundi “kuya” kapag sila ay natatakot. Sa isang puno ng mangga napansin nya ag tatlong mag iina na balot na kumot.. Ang batang babae na naglalaro sa apat na taon ay nangangtog sya ay takot na takot na nakasukob sa makapal na tela habang ang kanyang ina ay tangan ang kanyang kapatid na sanggol. Nasasaksihan nya kung paano inaararo ng putik ang mga kabahayan. Bagamat nalampasan na nya ang tatlong iyon pinilit nyang mag maniobra at balikan ang nakakaawang kalagayan ng mag-iina, dagli nya itong isinkay at tinahak ang daan pauwi. Sa kanyang wari ano na kaya ang nangyayari sa kanila, ubos lakas nyang hinahataw ang kabayo mahabol lamang ang oras at maisalba ang naiwang pamilya. Abot tanaw na nya ang kanilang tahanan ngunit huli na ang lahat ng makita nyang nilamon ang mga ito ng dambuhalang putik. Walang bakas na itinira ang mapagsamantalang basang lupa, halos mawalan sya ng ulirat, pinilit nyang lumapit ngunit wala na syang magagawa bagkus minabuti na lang nyang dalhin ang kanyang sakay sa isa ligtas na lugar (evacuation area). Mahinahon nyang ibinaba ang mga ito. Tinanggal ni Efren ang kanyang sumbrero at ang suot nitong kamisi tsino. Kinuha nya ang balabal na tumatakip sa mga asin at ipinalit sa basang kumot na pananggalang ng mag-iina. Anu ba’t ang tadhana ay talagang nananadya, nanlaki ang kanyang mga mata ng makita na ang babaeng kanyang isinalba kapalit ang sariling pamilya ay ang minsan sa kanya ay nagbintang na magnanakaw. Dahilan para sya ay makulong ng ilang taon na kahit kalian ay hindi nya ginawa.

Sunday, March 18, 2007

she's nice!

She cries but she is ok,
She smile but she is sad
She’s in love but she’s not,
She has everything but is she happy?
She’s seems perfect but not contented,
Never see her angry nor constipated
She walks with me, she touched me,
She laughs with me, she cries with me,
And tell her story
All I can say is thank you!
Coz you inspires me,
You're so nice..

Thursday, March 15, 2007

"untitled"

Akin pang naaalala nung ako ay musmos pa,

Kapag wala si ama at ina

Ikaw ang aking kasa-kasama;

Sa likod ng bisekleta ako ay iyong karga;

Minsan kang di kumakain maibigay lang sa akin,

Ang iyong pagdisiplina sa puso ko ay naukit

Ang iyong pag-alaga sa isip ko ay nakintal;

Ang sanga ng bayabas pamalo mo sa akin

Sa tw’ing ang dila ay nagsisinungaling

Minsang sa laruan ako ay nagtagal

Ang iyong sipol sumisibat agad sa hangin

Hudyat na ako ay dapat pauwiin

Huli ng ilang minuto sa ating pagkain;

Agad kang kukuha ng butil ng asin;

Akoy luluhod kapatawaran mo ay hiling.

Na sa susunod ay din a uulitin.

Sa puno ng mangga ikaw ay aakyat

Iyong ibabagsak mga bungang kay sarap

Aking iipunin at ilalagay sa kaing;

Di ko malilimutan ang panahong kapiling ka

Ikaw din ang nagturo na humabi ng letra,

Sa entablado ng eskwela gusto mo akong sumasampa

Di ka naman napahiya at aking kinaya

Noong ikaw ay malakas pa alas kwatro pa lang ng umaga

Ako ay gigisingin upang lumabas at magpahangin,

Sabay nating lalakarin mula kapilya hanggang atin;

Ngunit ngayong wala ka na “Lolo/amba” kumusta ka?

Alam ko sa piling Niya ganap kang masaya;

Di ko malilimutan ang iyong alaala

­­­ ­- isko

­-march 15 2007

Phnom Penh, Cambodia

-inspired by amba

Wednesday, March 14, 2007

may naghihintay sa'yo!

Sabik na umuwi si Jessie galing ibayong dagat, sa wakas ay masisilayan na din nya si Eden na matagal na nyang pinanabikang makita, tanging sa sulat at telegrama lamang sila nagkakaroon ng pagkakataon na magsama at magpahayag ng damdamin, kung sinuswerte naman itong si Jessie sa kanyang amo ay nakakatawag ito.

Ang isang larawan lang na 2x2 na ginupit sa komiks na Horoscope ang kanyang daan para makita ang babaeng mahabang panahong naglaro sa kanyang isipan,

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng komiks, dala ng kyuryosidad sinubukan ni Eden na magpadala ng kanyang profile sa isang komiks kung tawagin pa noon ay “penpal” sa isip nya ay parang imposible.

Maganda at simple itong si Eden nasa hustong gulang na at kumukuha ng kursong "pharmacy" ang dalaga.

Sa paglalaro ng tadhana nakabili ang kaibigan ni Jessie ng kopya ng komiks na iyon at di sinasadyang nadala patungong abroad.

Si Jessie 25 isang simple at mapagbirong binata na mahilig sumulat at magbasa.

Sa kanyang pagbabasa ay natapunan nya ng tingin ang pahina na kinapapalooban ng espasyo ni Eden doon na nagsimula ang kanila pagkakakilanlan, hanggang dumating na nga ang punto na…..

Alas diyes-kwarentay singko ng lumapag ang eroplano sa MIA (NAIA na ata ngayon) na sinaskyan ni Jessie,

Suot sya ng leather jacket at maong na pantalon,

Ngayon ang araw na susunduin sya ni Eden na kahit kailan ay hindi sila nagkita,at tanging ang pulang blusa na may rosas na disenyo sa dibdib ang naging palatandaan nya, at ganun din naman ang sinabi ni Jessie sa babae, ang kanyang suot.

Hawak ng babae ang plakard na may nakasulat na “welcome back jessie” at nakangiti ito sa kanya.

Nabigla si Jessie at kinuha sa bulsa ng kanyang polo ang larawan ni Eden, halos mapigilan sya ng makita na ang babaeng kumakaway sa kanya ay naglalaro na sa edad 50,

Wala syang nasambit kundi "kamusta po kayo?"

Agad na hinagkan ng matanda si Jessie sa pisngi ng buong pananabik at tinugunana naman ito ng binata ng mahigpit na yakap na waring sabik sa yakap ng ina.

Kmusta na po kayo, alam ko po ay gutom na kayo tara munang managhalian", walang bakas ng pagsisisi si Jessie, agad syang pumara ng taxi para tumungo sa isang restoran,

Dadalhin kita sa isang restoran na hindi mo makakalimutan” ang wika ng matanda,

napangiti si Jessie at walang nasabi kundi “salamat po” inutos ng matanda na lumiko sa kanto ang taxi at doon natumbok ang isang simpleng restoran, agad silang pumasok.
Sa kabila ng ka simplehan ng lugar ay halatang bigatin ang mga taong nagpupunta doon dahil sa mga mamahaling muwebles, pinili ng matanda na umupo sa bukana, at doon nga sila ay nagsarilinan.

“Pasensya na po kayo umasa po kasi ako sa larawan na ipinadala nyo, pero masaya naman po ako at nakilala ko kayo, kung hindi nyo pa sinabi ang suot nyo at nagdala ng plakard ay hindi ko kayo makikilala, heto nga po pala ang ibinili ko sa inyo" agad isinuot ang kwintas tanda ng kanyang pangako sa sulat, halos maiyak ang matanda sa ipinakita ng binata, agad namang iniabot ng matanda ang isang sulat,at winika nito “napakabuti mong bata”..dagli nya itong binasa ..” kung sa kali man na sumama ka sa matanda na aking pinakiusapan kapalit ng isang pananghalian ako ay labis na matutuwa, halika na at lumingon ka sa likuran mo-Eden,” Halos di makapaniwala si Jessie ng mga sandaling iyon, atubili namang itinuro ng matanda kay Jessie si Eden,

Isang maganda at maamong mukha ang sa kanya ay naghihintay..

- the one

- Phnompenh Cambodia

- March 15,2007

"talaga nga naman"

Her name is Margie classmate ko sya nung college, from 2nd year to fourth year, math ang minemajor nya habang ako naman ay science.

Halos dalawang chairs lang ang pagitan namin mula sa likuran ko, letter “O” kasi ang first letter ng surname nya ako naman ay “ M “ kaya halos mabali ang leeg ko kakalingon sa kanya,

Di naman sya ganun kaganda pero sapat na ang kanyang talino at ang maamong mukha para maging ideal sya.

Excited akong pumasok nun kahit minsan wala pala akong pamsahe at nakakalimutan ko ang ID ko.

Nangingibabaw ang suot nyang white na blouse kapag nadidikit sya sa ibang college student sa campus nmin, parang laging bago kasi ang suot nya, sa isip isip ko lang e ansipag sipag nito.

One day nagkaroon kami ng debate sa polscie subject nmin, ang topic??,. “impeachment trial ni erap” tsk tsk, kami ang pro habang ang grupo nya e “anti” .

Sa ganitong debate ako na siguro ang isa sa pinaka alaskador at hindi nauubusan ng sangkatutak na pilosopong depensa.

Mejo mainit ang laban sa loob ng klase ni Ms San Pedro, isama mo pa ang sirang bentelador sa loob at ang indayog lang ng nakakairitang mga pamaypay na may tatak na “Blas Ople for Senator” ang panaggalang sa maaanghang naming palitan ng sikolohiyang ideya.

Madalas namin silang napupuntusan, sapat na para tanghalin kaming panalo sa debateng iyon,

Sa canteen kasabay kong kumain ang mga barkada ko banana-Q at coke.. yun na lang kasi ang affordable para sa mga manlulupa at dukha,., andun din sa loob yung mga classmate namin na we so-called “talunan” andun din si margie,,kagaya ng inaasahan kantyawan to the maxx, at tuksuhang marathon ang nangyare ewan ko ba kung bakit kung gaano kalakas ang apog ko sa talastasan sira naman ako sa panliligaw, badtrip (hanggang palipad hangin at ligaw tingin)

Pasado alas sais na ng hapon ng mag room to room ang mga student council para I announce ang sports fest sa isang lingo…..

Wala akong nagawa kundi mapakagat labi, yun na nga siguro ang right time para sa’kin, one week din akong makakaensayo kung anong approach ang gagawin ko, minsan nga isinusulat ko pa ang sasabihin ko or nag bo-voice tape, /wapak/

Dumating na yung araw na pinakahihintay ng lahat ang “sportsfest” opening remarks pa lang nakita ko agad sya na nakaupo sa bandang itaas ng Gym kasama ang iba pa nyang kaibigan

Lakas loob ko syang nilapitan at nagsorry ako tungkol sa nangyari nung Polscie class nmin,magandang bungad yon para sa simula ng mataktikang conversation,,

Parang ako na ang naiinip dahil paikut ikot lang ang usapan at mejo nababagot na rin siguro ang mga kasama nya, kaya minabuti ko ng magtapat at sinimulan ko na ang mambola,

Tinanong ko na agad kung pwede akong dumalaw sa kanila para ma meet ko na rin ang parents nya,

Nagpakipot pa sya ng konte at sinabing oo,at isa pa samba daw nya sa Huwebes tinanong nya ako kung gusto ko daw sumama,,

Nanlaki ang mata ko nung marinig ko yun, bahay lang ang pakay ko may samba samba na agad, sabi ko “ok basta ikaw” tutal wala apa akong experience sa ganun, sa isip isip ko lang tama ba yung pag sagot ko,

Miyerkules first dalaw, Sabay kaming umuwe sakay ng LGS (patok na jeep) inihatid ko muna sya sa babaan nila at nagpaalam akong babalik para magpalit ng damit..

Alas otso na ng makadating ako sa may kanila inabala ko pa si tiyo narsing para ihatid ako, mejo kinakabahan pa dahil first time ko nga.

Di na’ko kumatok kasi bukas naman yung pinto nila kaso walang ilaw sa loob sa terrace lang meron at mukhang tulog na si margie, sabay kamot sa ulo, may babaeng lumabas at nagtanong ilan daw ang bibilhin ko,

Bwiset napagkamalan pa akong bibili ng yelo,

Sabi ko hindi po! Sabi ko classmate po ako ni Margie andyan po ba sya? “ah ganun ba” tugon nya, “tulog na ata e” dagdag pa nya,

Sa loob loob ko lang napaka kontrabida naman nito, e di gisingin bisita ako!!! Tsaka ang aga pa kaya.

Finally pinapasok ako, tanong sya ng konte sagot naman ako, tapos tanong din ako sa kanya sagot din naman ang loka, nalaman ko na ate pala sya ni Margie, Dami nyang tanong bakit ko daw liligawan kapatid nya bata pa daw kami, common sense diba kaya nga ligaw pa lang e di naman kasal,di ko na sya sinagot at tahimik na lang ako, tapos tingin-tingi sa paligid,

Tumayo sya at tinungo ang isang silid, narinig ko na kausap nya si Margie ,

At eto na nga lumabas na ang Cinderella at ang kontrabida magkatabi silang umupo sa sofa at ako naman ay sa monoblak na walang sandalan, naka white tshirt sya at jogging pants namin sa p.e. hubug na hubog ang ganda ng katawan nya. Di kami makabwelo ng usapan dahil nakikihalo yung ate nya, siguro nakahalata ang bruha kaya tumayo at kunwari’y kumuha ng tubig, so ganun na nga usap kami, about everything inside and outside school, tpos tinanong nya ako kung sigurado daw akong sasama sa pagsamba bukas sabi ko “oo” magkita n lang daw kami sa labas ng Iglesia ni Kristo malapit sa bayan,.Kainis di pala kami sabay,

. Para kaming mga ipis sa loob ng bahay nila kala ko si GARCIE lang ang naka wiretap, wala pang 20 minutos kaminf nag uusap ng sarilinan ng dumating ang isang matanda na akala ko ay wala sa eksena, nagmano agad ang magkapatid,

ako tangka ko din sana pero di nya ako binigyang ng pagkakataon dahil ibinaba nya ang shoulder bag nya, pormang teacher ang kanyang pananamit

Aba at may bisita tayo sinu ka? Ang dumadagundong na tanong nya na halos ako ay pagpawisan ng malamig at maihi sa pantalon.

Agad na sumabat si ate “ Nay sya si Andrew nanliligaw kay Margie,” “ha?!” ang nabiglang taka ng matanda, agad akong ipinagtanggol ni Margie “ Si ate naman dumalaw lang yung tao e, Drew nanay ko principal ng Bulaklak national highschool,”

Di na ako nagulat dahil kita naman sa itsura nya, maya-maya pa ay nagpatimpla na ng kape ang matandang principal at simulan na akong “interbyuhin” sinimulan nya akong tanungin. Ano daw ang apelyido ko,at sinagot ko naman

mejo nagulat sya nung sinabi ko dahil kilala yun nmin, nagkaron ng interes sa akin yung matanda kaya tanong ng tanong ng kungsinu sinong tao na sinagot ko naman kahti di ko kilala, maya-maya pa ay tinanong nya ako kung ano daw ang trabaho ng nanay at tatay ko, sinabi kong wala at tanging ang pagtatanim ang tangi naming ikinabubuhay sinadya ko iyon para makita ko ang reaksyon nila, nagsimula ng umasim ang kanyang mukha at patuloy na nya akong inatake, “ may ipapakain ka na ba? tsaka kami ay Iglesia,” wari ko bang halos ako ay kanyang kinakasuklaman, di ko sya masagot dahil baka masira agad ako at sabihing bastos, maya-maya pa’y dumating na din ang tatay nila na galing daw sa duty, isa kasi syang gwardya.

Lumapit sa upuan ang gwardiya at sumama sa interogasyon sa akin, pambihira gisadong gisado na ako, tahimik syang nakikinig sa kanyang butihing asawa, wala akong magawa para bang gusto kong tumakbo palabas at maglupasay, so ganun nga tuloy pa rin sila, wala na akong masabi dahil corrupted lagi ako, tuluyan na ding tumayo ang mag asawa para kumain, naghain na si ate imagine alas nuebe medya hapunan,!!! Sinamantala ko nay un para masabi ko ang tungkol bukas, parang ayoko na ring magtagal dun sa bahay kaya sabi ko sa kanya e uuwi na ako, sabi nya pasensya na daw at magpaalam ako sa kanila,

Yun nga akmang tatayo pa lang ako ng sinabi ng matandang principal na “ingat ka iho” pakshet concern pa si lola pero sa loob ko lang hiling nya na magulpi ako para di makabalik, tuluyan na nga akong nagpaalam, habang nasa daan e masamang masama ang loob ko, na first time talaga ako, pero pinilit ko na lang libangin ang sarili ko, pumara na ako ng tricycle, nakalma ako nung abutan ko ang barkada sa bahay, agad kong kinuwento ang nangyare, idinagdag ko pang bida na may samba ako sa iglesia, sinabi ko na hindi ko alam ang set-up dun at kung paano, , wala silang nasabi kundi mag semi formal na lang daw ako.

Thursday, pinakaabangan ko, ang araw na first samba ko sa Iglesia, wala akong ideya 4:30 ng dumating ako sa templo sa labas ako naghintay at di pa pedeng pumasok halos lahat sila magkakakilala, ako lang ang naiiba,

Antagal nya sobra mukhang mapupurnada pa, iyon na ata ang isa sa pinaka gwapo kong postura. Magsuot ng breyslet na tanso, magpolo ng checkered at magpantalon na slaks na puti, hay nako!!!

Tumunog na ang hudyat na pwede ng pumasok, kaya pumasok din ako na inakalang na late lang sya, sa pintuan ako ay tinanong kung anong parokya daw ako wala akong masabi, sabi nya a bago lang pala dun ka sa taas, so sa bandang itaas ako napunta mas makabubuti para kita ko sya kung dadating man, napansin ko na hiwalay ang lalaki sa babae, nawiwindang na talaga ako,,gusto kong tumambling pababa, badtrip talaga hanggang nakahanap ako ng pagkakataon na makalabas, sumakay na ako ng tricycle at dumeretso na lang sa simbahang katoliko.

Biyernes last day ng sporsfest namin di sya pumasok inakala kong nagkasakit lang sya kaya di nakapunta, so granted, hanggang inabutan ako ng isang sulat ni lani, (isa sa close friend nya) ambangis ng sulat di ako makalunok, ang tema nung sulat e mag concentrate na lng daw kami sa pag-aaral at pabayaan ko na lang daw sya, badtrip diba dami nyang foul skin tas ganun, pero ok lang. sinabi ko na di sya mage exist sa akin until maka graduate kami dahil last sem n nmin nung 4th yr mejo nagawa ko nmn at tuluyan nga kaming di nagkita.

One time kukuha ako ng LET exam sa CCP sakripisyo talaga dahil sobrang aga dapat ng gising para makahabol sa bus, mejo may hang over pa ako dahil 2 am na kami natapos sa debut ng pinsan ko, 4 am nug sakto akong nakasakay sa bus sobrang ginaw at mejo masakit pa ang ulo ko, anubat sa aking paglingon sa aking kanan ay nakatapat ko sya sa bus tsk tsk mejo natauhan ako sa mahigit limang bwan naming di pagkikita after graduation e nasa loob kami ng iisang bus, at kasama pa nya ang matandang principal balot sya ng jacket, lakas loob ko syang tinanong kung kukuha din sya ng exam at ang sabi nya oo, napansin ko na malaki ang kanyang tyan, di ko na inusisa at agad nya itong sinabi sa kin, di makatingin ang matanda sa akin,,,,,,,,,,tsk! Tsk! Tsk! si Margie nanganganay…